GLUTA IV DEATHS BUBUSISIIN SA SENADO

NAIS ni Senador Nancy Binay na busisiin ng Senado mga ulat ng pagkamatay ng ilang indibidwal dahil umano sa hindi awtorisadong paggamit ng intravenous glutathione.

Inihain ni Binay ang Senate Resolution 952 kung saan tinukoy ang report ni Health Secretary Ted Herbosa nitong Enero na may babae sa Quezon City na pumanaw matapos na sumailalim sa hindi otorisadong glutathione at stem cell infusion.

Batay sa ulat, nagkaranas ng cardiac arrest ang pasyente matapos sumailalim sa glutathione treatment sa isang spa sa Sampaloc, Maynila noong 2020.

Nakasaad din na mismong si Herbosa ang nagsabi sa media na hindi ligtas gamitin ang IV gluta sa pagpapaputi, at may warning pa na maaari itong magdulot ng iba’t ibang karamdaman batay na rin sa Food and Drug Administration.

Matatandaang naging kontrobersyal din ang gluta drip session ng maybahay ni Senator Robin Padilla sa loob ng kanyang opisina sa Senado na kalaunan ay nilinaw na hindi ito gluta kundi Vitamin C.

(DANG SAMSON-GARCIA)

30

Related posts

Leave a Comment