GMA SINIBAK BILANG SENIOR DEPUTY SPEAKER

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI totoong nais lang mabawasan ang trabaho ni dating pangulo at ngayo’y House deputy speaker Gloria Macapagal Arroyo kaya tinanggal ito bilang “Senior Deputy Speaker” kundi sinibak ito.

Ayon ito sa ilang mambabatas sa Kamara na hindi na nagpabanggit ng pangalan matapos alisin si Arroyo bilang pangalawang pinakamataas na lider ng Kamara kasunod ni House Speaker Martin Romualdez.

Ang pananaw ng mga impormante ay base sa pahayag ni Arroyo na “It’s the prerogative of the House” hinggil sa pagkakatanggal sa kanya bilang Senior Deputy Speaker bago natapos ang session ng Kamara noong Miyerkoles ng gabi.

Taliwas ito sa statement ni House Majority Leader Jose Mannix Dalipe na kaya inihalal si Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales bilang Senior Deputy Speaker ay upang mabawasan ang mabigat na trabaho ng dating pangulo.

“The House of Representatives has elected Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. as Senior Deputy Speaker to unburden his cabalen, former President Gloria Macapagal-Arroyo, of the heavy load required from the position,” ani Dalipe.

Bago nag-adjourn ang session ng Kamara pasado alas-siyete ng gabi ay tumayo si Iloilo Rep. Lorenz Defensor na nagsilbing acting majority leader para ihalal bilang Senior Deputy Speaker si Gonzales.

247

Related posts

Leave a Comment