GO: TAO LANG ANG PANGULO, KAILANGAN NG PAHINGA

(NI NOEL ABUEL)

BINIGYANG-diin ni Senador Christopher Bong Go na tao lang si Pangulong Rodrigo Duterte at kailangan ng pahinga kasunod ng ibinigay na tatlong araw na ‘rest’ sa kanyan gbahay sa Davao City.

Sinabi ni Go na mas pinili ng Pangulo na magpahinga muna ng  3 araw sa Davao City dahil itinuturing nitong itong comfort zone kung saan siya nakakatulog nang mahimbing.

Sa kabila nito, sinabi ni Go na bagama’t pinagpapahinga ang Pangulo ay hindi pa rin ito tumitigil sa mga paper works.

Sa katunayan aniya ay nakatakda silang magtungo ng Pangulo sa darating na araw ng Biyernes sa North Cotabato para makapulong  ang mga magsasaka hinggil sa kanilang  mga hinaing.

Kinumpirma rin ni Go na patuloy ang  communication nina Pangulong  Duterte at Chairman Nur Misuari para sa binubuong Peace Coordinating  Committee  sa pagitan ng  gobyerno ng  ng  Moro National Liberation Front.

 

135

Related posts

Leave a Comment