GOBYERNO, BAGSAK PA RIN SA MASS TESTING

AMINADO si Senador Richard Gordon na hindi pa rin maganda ang takbo ng mga hakbangin ng gobyerno kaugnay sa mass testing sa gitna ng pakikipaglaban sa COVID-19.

Sinabi ni Gordon na simula noong April 14, nasa 90,000 pa lamang ang naisasalang sa test ng Philippine Red Cross kung saan 25% lamang ang mula sa Metro Manila.

“This is not good for our country. The government should make up its mind on this matter and the DOH and PhilHealth must get their act together on testing everybody,” saad ni Gordon.

Nakalulungkot anya na maliit pa ring bahagi ng populasyon sa Metro Manila ang naisalang sa test kahit patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan o namamatay sa virus.

Dapat anyang bumuo na ang Inter Agency Task Force ng malinaw na plano kaugnay sa testing.

Sinabi ni Gordon na mismong ang Department of Health at PhilHealth ang dapat magkaroon mg malinaw na aksyon.

Ipinaalala ng senador na alinsunod sa World Health Organization (WHO), 13% ng populasyon ng bansa o katumbas ng 1.6 milyon ang dapat na maisalang sa COVID 19 test. (DANG SAMSON-GARCIA)

75

Related posts

Leave a Comment