GORDON BAKIT TAHIMIK SA P11-B SHABU SHIPMENT?

gordon

(NI NOEL ABUEL) MALAKING palaisipan sa ilang senador ang pananahimik ni Senate Blue Ribbon Committee chairperson Richard Gordon kay dating Customs Commissioner Isidro Lapeña kaugnay sa P11 billion shabu shipment sa Cavite.

Ipinarating nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador JV Ejercito  ang pagtataka sa  pananahimik at mistulang pag-absuwelto kay Lapeña na isang  command responsibility at kaakibat ng bawat tungkulin. “Command  responsibility is  everywhere. Unless, ikaw ang makatuklas at ikaw ang umaksyon,” saad ni Sotto. Nilinaw naman ni Sotto na hindi pa niya nababasa ang committee report at kanya pa itong pag-aaralan.

Samantala, nangako si Ejercito na  isusulong ang posibleng pag-amiyenda sa report o pagsasagawa ng panibagong imbestigasyon upang matukoy ang iba pang sangkot sa iregularidad.”Probably kung talagang kulang, I would file a reso for reinvestigation or to include them,” saad ni Ejercito.

6

Related posts

Leave a Comment