PAG-POST NG MALALASWANG KOMENTO SA SOCIAL MEDIA MAY PARUSA

SOCIAL MEDIA SEXUAL HARRASMENT

(NI BERNARD TAGUINOD)

KABILANG ang pagpost ng malalaswang komento sa social media sa magiging krimen, kasama na ang pagsipol sa mga babae, ang nasa Bill 8794 o proposed ‘Safe Street, Public and Online Spaces Act’ na iniakda ni Siquijor Rep. Ramon Rocamora.

Naipasa na sa ikalawang pagbasa ang panukalang-batas na naglalayong igalang ang sinuman, anumang seksuwalidad o paniniwala, edad o background ng tao. Bukod sa pagsipol o cat calling na karaniwang  nararanasan ng mga babae, paparusahan din ang mga taong malalaswa ang asta at iba pang uri ng sexual harassment sa social media.

“Every person, regardless of how they look, their age, background, gender or gender orientation, identity, or expression deserves respect on our streets and other public spaces, including cyberspace and social media,” ayon naman kay Bagong Henerasyon Party-List Rep. Bernadeth Herrera-Dy.

Madalas nababasa sa social media ang malalaswang komento ng ilang netizens sa kanilang mga kapwa kaya ngayon pa lamang ay dapat na umanong matutunan na ng mga ito ang paggalang..

Kabilang sa mga parusang naghihintay sa mga nambabastos sa kapwa, sa kalsada man o sa social media ay multa mula P10,000 hanggang P500,000 dependa sa bigat ng kanilang pambabastos.

Mayroon pang kasamang kulong ito subalit hindi pa itinatakda sa panukala kung ilang taon at obligado ang mga lalabag sa batas na ito na sumailalim sa community service at seminara para sa Gender Sensitivity ng Philippine National Police (PNP).

7

Related posts

Leave a Comment