GORDON: ‘TAHO GIRL’ ITAPON PALABAS NG PINAS

taho11

(NI NOEL ABUEL)

NANAWAGAN ang ilang senador na agad na ipatapon palabas ng Pilipinas ang babaeng Chinese national na nagtapon ng taho sa uniporme ng isang pulis na nagmamando sa istasyon ng Metro Rail Transit (MRT).

Giit ni Senador Richard J. Gordon, chair ng Senate Committee on Justice and Human Rights, kailangang kumilos agad na Bureau of Immigration (BI) na sampahan ng kaso at ipatapon ang dayuhang si Jiale Zhang, 23, dahil sa masamang inasal nito at hindi iginagalang ang batas ng Pilipinas.

“The Chinese passenger should be deported. The Chinese nationals here and all other foreign nationals staying in our country should respect our rules and laws. They should not flout our rules and they should also respect the officials who are implementing our laws. China, as our nearest neighbor in Asia, should advise its nationals about complying with the rules and laws of our country and respecting persons in authority here,” paliwanag pa ng senador.

Sa ulat, nangyari ang pang-aabuso ng nasabing Chinese national sa isang pulis sa MRT-3 noong alas-8:30 ng umaga sa biktimang si PO 1 William Cristobal nang ihagis nito sa uniporme ng huli ang hawak nitong taho.

Dahil sa ginawa ni Zhang ay agad na dinakip ito at dinala sa Mandaluyong Police Community Precinct 5 at ipinagharap ng kasong direct assault.

Samantala, sa panayam ng Saksi Ngayon kay BI Intelligence chief Fortunato Manahan, na hihilingin nito sa Legal Division ng ahensya na kanselahin ang hawak nitong Special Retirees Residence Visa para agad na maipatapon pabalik ng mainland China.

97

Related posts

Leave a Comment