GOVERNMENT OFFICES PINAGTITIPID NG KURYENTE

power12

(NI ABBY MENDOZA)

SA harap na ng nararanasang kakapusan ng supply ng kuryente dala ng mataas ma demand dulot ng sobrang init, umapela ang isang mambabatas sa mga tanggapan ng gobyerno at mga establisimyento na gumawa ng hakbang para makatipid ng kuryente.

Ayon kay House Committee on Energy Vice Chairman Roman Uybarreta, karaniwang malaki ang kinukunsumong kuryente sa mga governent offices, mga establisimyento at iba pang tanggapan at kung magtitipd umano ang mga ito ay maiiwasan na magkaroon ng madalas na  rotational brownouts at pagtaas ng power demand, partikular sa Luzon grid.

Iminungkahi ng mambabatas ang simpleng pagpatay ng ilaw kung may araw at maliwanag naman sa mga opisina.

Samantala, hinimok ng kongresista ang Department of Energy (DoE) na magbigay ng paliwanag sa publiko kung bakit nagkakaroon ng forced shutdown ng mga planta. Ito umano ay para maiwasan na magduda sa nangyayaring rotating brownouts dahil sa sinasabi ng mga energy officials na may sapat naman suplay ng kuryente.

112

Related posts

Leave a Comment