PANGULO UMAMING PAGOD NA PERO LABAN SA DROGA TULOY

duterte123

(NI BETH JULIAN)

BAGAMA’T aminadong pagod na, ipinangakong muli ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy pa rin niyang lalabanan ang iligal na droga, kriminalidad at korapsyon sa nalalabing panahon ng kanyang termino.

Sa talumpati ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City, sinabi nito na nakararamdam na siya ng pagod sa maraming taon na pagsisilbi at paghahatid ng serbisyo publiko.

Gayunman, iginiit ng Pangulo na kakayanin nitong iparamdam sa publiko ang kanyang pagmamahal sa bayan at ang paglaban sa ilegal na droga, krimen at sa mga kurap na tauhan at opisyal ng pamahalaan sa nalalabi pa nitong panahon sa termino.

Samantala, gaya ng mga naunang mga dinadaluhang event ng Pangulo, tuloy ang paglalagay ng protective glass sa harap ng podium ng Pangulo  bilang  bahagi ng “highest security protocols” ng PSG para na rin sa seguridad at kaligtasan ng Punong Ehekutibo.

162

Related posts

Leave a Comment