GOV’T EMPLOYEES MASISIBAK KUNG MAGSOSOLISIT SA ORAS NG TRABAHO

CSC Chairman Alicia Bala

(Ni ABBY MENDOZA)

Nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga kawani ng gobyerno na masisibak sila sa trabaho kapag magsosolisit sila ng pang-raffle, humingi at tumanggap ng regalo, at maging magsagawa ng party sa oras ng trabaho.

Inihayag ito ni CSC Chairman Alicia Bala upang maiwasang gawin ng mga kawani ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang nasabing bawal, lalo na ngayong magpapasko at magbabagong taon.

Idiniin ni Bala na malinaw ang nakasaad sa Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethi-cal Employees na bawal magsolisit, tumanggap ng regalo, at maglunsad ng party sa oras ng trabaho tulad ngayong kapaskuhan.

Nanawagan din ang opisyal sa publiko na isumbong sa CSC ag mga kawani na lalabag sa RA 6713.

11

Related posts

Leave a Comment