JEEPNEY FARE BALIK P9

JEEPNEY

(Ni NELSON S. BADILLA)

Iniutos ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na ibalik sa P9.00 ang minimum na pamasahe sa pampasaherong jeep sa Region 3, 4, at Metro Manila.

Batay sa LTFRB Resolution No. 091, ang pagbalik sa P9.00 minimum na pamasahe ay resulta ng sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Matatandaang iniutos ng LTFRB ang pagtaas sa minimum na pamasahe sa jeep sa P10.00 mula P9.00 dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Nilagdaan nina LTFRB Chairman Martin Delgra III at Board Member Engr. Ronaldo Corpus ang LTFRB Resolution 091 na inilabas kahapon.

Ang implementasyon ng naturang pasya ay isasagawa matapos na mailathala sa mga mahayag na may “general and/or local publication.”

5

Related posts

Leave a Comment