GRADO NI SOTTO SA COMELEC: PASADO!

tito sotto12

(NI NOEL ABUEL)

KUNG si Senate President Vicente Sotto III ang tatanungin ay pasadong grado ang ibibigay nito sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng katatapos lamang na 2019 midterm elections at sa kasalukuyang pagbibilang ng mga boto.

Ito ang sinabi ng lider ng Senado kung saan ang pagiging proactive ng mga opisyales ng Comelec ay isang magandang pangyayari ngayong katatapos ng eleksyon.

“I am satisfied with the performance of the Comelec. They have been very proactive contrary to what others are saying. Nakikita ko, very forceful pa nga. The likes of Chair Abbas, Commissioner Guanzon, Commissioner Pareño, even Commissioner Guia, they were proactive,” sabi ni Sotto.

Kahit umano ang usapin noong nakalipas na 2016 elections ay hindi maaaring sabihing palpak ang Comelec sa tungkulin nito subalit dapat namang siguruhin na hindi mangyayari ang mga naranasang suliranin sa eleksyon sa susunod na eleksyon.

“Still we have to learn. Even kahit anong tagal na noon, we have to learn our lessons, because ‘yung 2022 very crucial ’yun, presidential ‘yun. Kaya nga sana huwag nang maulit ‘yung mga apprehensions na nangyari noong 2016,” aniya.

135

Related posts

Leave a Comment