GRAFT CASE NI AMB. BAJA BINUKSAN MULI

baja

(NI TERESA TAVARES)

MULING binuksan ng  Sandiganbayan ang kaso  laban kay dating United Nations Ambassador Lauro Baja hinggil sa maling paggamit ng pondo sa pagsasaayos ng Philippine Mission’s townhouse sa New York sa Estados Unidos.

Inaprubahan ng Sandiganbayan Fourth Division ang motion for leave ni Baja na buhayin muli ang kaso upang mapatunayan na hindi siya nagkasala.

Ayon sa anti-graft court, layon nito na maalis ang pagdududa na nagkaroon ng miscarriage of justice matapos siyang mahatulan na guilty sa kasong graft at malversation of public funds at inatasan na makulong ng mula 16 hanggang 24 na taon.

Sa rekord ng kaso, idineposito ni Baja sa hiwalay na bank account ang ibinigay ng  insurance company na $17,542.27 bilang bayad sa pagsasaayos ng nasirang ikalawang palapag na heating system pipe sa townhouse, imbes na ideposito sa account ng Philippine Mission.

Sa kanyang mosyon, umapela si Baja sa Sandiganbayan na buksan muli ang kaso at payagan ang testimonya ng kinatawan mula sa Commission on Audit at Lexington Insurance Corporation.

Mapapatunayan aniya sa testimonya na wala siyang nilabag na rules ng Commission on Audit.

Ayon sa Sandiganbayan batay sa Section 24, Rule 119 ng Revised Rules on Criminal Procedure, pinapayagan ang reopening ng kaso hanggat hindi pa pinal ang naging hatol dito.

5

Related posts

Leave a Comment