POLITIKONG SUSUPORTAHAN NI DU30 SA ELEKSIYON INILABAS

digong

(NI BETH JULIAN)

ILANG linggo pa man bago ang panimula ng kampanyahan para sa 2018 elections, tinukoy na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan na kanyang susuportahan.

Kasabay nito, umapela rin ang Pangulo sa publiko tungkol sa kung sino dapat ang ibotong mga kandidato.

“Mamili naman sana kayo ng taong para sa gobyerno,” panawagan ni Duterte.

Kamakalawa nang dumalo sa Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) Summit sa Pasay City ang Pangulo, ay sinabi nito sa kanyang talumpati na dapat ang iboto ay ang mga taong para sa gobyerno.

Ibinunyag din ng Pangulo ang ilang kandidato na kanyang susuportahan at ito ay sina dating Presidential Aide Bong Go, dating PNP Chief Ronald Dela Rosa, at dating Presidential Political Affairs Adviser Francis Tolentino.

Idinagdag din ng Pangulo ang mga susuportahan nitong mga re-electionist na sina Senator Sonny Angara at Cynthia Villar.

Kasama rin sina Taguig Representative Pia Cayatano at Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa kanya ring susuportahan.

Diretsahan din sinabi ng Pangulo na kasama sa kanyang iboboto ang mang-aawit na si Freddie Aguilar at ang kanyang dating tagapagsalita na si Harry Roque.

Nilinaw naman ng Pangulo na hindi niya i-a-adopt ang senate slate ng kanyang partidong: PDP-Laban at hindi lahat ng nasa listahan ay kanyang iboboto.

Pero iginiit ng Pangulo sa mga botante na maawa sa bayan.

“Maawa naman kayo sa bayan niyo,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na walang mali kung mag-endorso man ng mga kandidato ang presidente bago pa ang panahon ng kampanya.

Gayunman, kahit na inilantad na ng Pangulo ang tiyak na susuportahan nitong kandidato sa pagka senador ay nilinaw ni Panelo na hindi sasama sa mga kampanyahan ang Pangulo dahil may mas importane itong mga pagtitipong dapat unahin bilang Pangulo.

 

 

 

9

Related posts

Leave a Comment