GRAFT CASE VS EX-DOST CHIEF, TULOY

dost12

(NI FRANCIS SORIANO)

TINANGGIHAN at patuloy pa rin ang paggulong ng graft case ni dating Science and Technology (DOST) secretary William Padolina kaugnay sa maanomalyang car loan para sa mga empleyado ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice).

Ayon sa Sandiganbayan 6th Division na may petsang March 28, nakasaad na bigo ang dating kalihim na makapaghain ng temporary restraining order (TRO) o writ of preliminary injunction mula sa kanyang petisyon sa Korte Suprema.

Nakasaad din sa naturang dokumento na maaaring lumakad ang graft case ni Padolina kapag walang nailabas na TRO ang Kataas-taasang Hukuman.

Giit ng anti-graft court, hindi magdudulot ng kalituhan sa hatol ng Supreme Court para sa kanyang petisyon ang pagtuloy sa hearing ng kaso.

Nag-ugat ang graft case ng dating kalihim matapos akusahan ng pakikipagsabwatan umano kay dating Agriculture secretary Arthur Yap at ilang PhilRice board members sa pagpabor umano ng mga ito sa 10 empleyado ng PhilRice na gawaran ng car plan.

Gayunman,  hindi dumaan sa public bidding ang naturang car plan.

 

215

Related posts

Leave a Comment