Gustong pabanguhin Marcos admin PROPAGANDA NI GADON SABLAY

(BERNARD TAGUINOD)

PARA kay IBON Foundation Executive Dir. Sonny Africa, ang pahayag ni anti-poverty czar Larry Gadon na haka-haka ang kahirapan sa Pilipinas ay isang propaganda upang mapabango ang administrasyon sa publiko lalo na’t papalapit na ang midterm elections.

Aniya, matibay na basehan ang pahayag ni Gadon upang sibakin siya sa pwesto lalo na’t pinamumunuan niya ang opisina na tumututok sa poverty reduction.

Hinamon naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na sibakin si Gadon dahil sa pagiging insensitive at anti-poor.

Hindi matanggap ni Brosas ang pahayag ni Gadon na imahinasyon lamang ang kahirapan sa Pilipinas gayung lantad ang katotohanan na nagugutom ang mga tao dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin.

“I’d like to remind Larry Gadon that the continuous increase in the prices of basic goods and services is a fact and not a figment of our imagination. The fact that the Presidential Adviser for Poverty Alleviation doesn’t even believe that poverty exists in our country is proof of his incompetence,” ani Brosas.

“Ramdam na ramdam ng mahihirap ‘yung taas singil sa kuryente at tubig, maging ang taas presyo ng pagkain. Sa ngayon, ang totoong imahinasyon ay yung sinasabi ng gobyerno na magkakaroon ng ‘Bagong Pilipinas’ kasi mas lumalala lang ang kahirapan sa kasalukuyan,” dagdag pa ng lady solon.

Mistulang kinontra rin maging ng administration congressman ang kontrobersyal na pahayag ni Gadon.

Sa regular press conference kahapon, sinabi ni Zambales Rep. Jefferson Khonghun na isa sa mga dahilan ng mga ayuda program ng gobyerno ay upang matulungan ang mga naghihirap na Pilipino.

Gayunpaman, ginagawa aniya ng gobyerno sa pamamagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at House Speaker Martin Romualdez para iangat ang kabuhayan ng mga tao tulad ng mga ayuda program.

Maging si Bukidnon Rep.Keith Flores ay aminado na marami pa rin ang naghihirap sa bansa taliwas sa pahayag ni Gadon.

Sa katunayan, sinimulan na aniya ng House committee on public accounts ang pagdinig sa pagtapyas umano ni Sen. Imee Marcos sa pondo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) na nagpalala sa kahirapan.

Kamakalawa ay sinabi ni Gadon na imahinasyon lamang ang kahirapan dahil puno aniya ng tao ang mga mall, maraming bagong sasakyan sa mga lansangan.

60

Related posts

Leave a Comment