Nadale sa ‘di pagsunod sa utos? ZUBIRI ‘DI PINIGILAN PDEA LEAKS PROBE KAYA PINATALSIK

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

“I failed to follow instructions from the powers that be.”

Ito ang tinuran ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri kung bakit siya pinatalsik bilang lider ng Senado kahapon.

Sa panayam, inamin ni Zubiri na masakit sa kanyang loob ang pangyayari at tinukoy na posibleng ang kanyang hindi pagsunod sa utos ang mitsa ng ‘change of leadership’ ng Senado.

Si Senate Majority Leader Joel Villanueva ang nagkumpirma na magkakaroon ng pagbabago sa liderato ng Senado, dalawang araw bago magtapos ang second regular session ng 19th Congress dahil nabigo umano si Zubiri na pigilin ang imbestigasyon sa PDEA leaks.

Aniya pa, may 15 senador ang pabor na mapalitan si Zubiri.

Umugong ang palitan ng liderato noong isang linggo sa gitna ng pagpapatuloy ng imbestigasyon sa PDEA leaks na nagsasangkot kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at actress Maricel Soriano sa illegal drugs.

Matatandaang maging sa Kamara ay binabatikos ang imbestigasyon ng komite ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa kawalan umano ng solidong ebidensya.

Matapos ang pagbibitiw ni Zubiri ay agad namang nanumpa Sen. Chiz Escudero bilang Senate President. Kasama niya ang asawang si Heart Evangelista.

Nakatakda ring maghain ng mosyon sa plenaryo na magdedeklara sa lahat ng posisyon bilang bakante saka maghahalal ng bagong Senate president, Senate president pro tempore at ang majority leader.

55

Related posts

Leave a Comment