Habang nasa foreign trip si BBM VP SARA ETSAPWERA NA BILANG ‘CARETAKER’

HINDI kasama si Vice President Sara Duterte sa magiging caretaker ng Pilipinas habang nasa Lao PDR si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para dumalo sa 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits.

Sa katunayan, sinabi ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez na ang mga tatayong caretaker ng bansa ay sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III at Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Si Bersamin ang tatayong chairman ng committee of caretakers.

”It is an Executive Committee chaired by ES, with Secretaries of Justice and Agrarian Reform as members,” ang sinabi ni Chavez.

Matatandaang isa si VP Sara sa mga tumatayong caretaker ng bansa kapag wala ang Pangulo at nasa ‘state, official, at working visits’ ito sa ibang bansa.

Ito ay sa gitna ng pagkawasak ng binuong UniTeam ng Marcos at Duterte noong Eleksyon 2022.

Nagbitiw si Duterte bilang DepEd secretary nitong nakaraang June dahil umano sa pakikialam nina Speaker Martin Romualdez at House committee on appropriations chair Rep. Elizaldy Co na mariin naman nitong itinanggi. Sa halip binuweltahan ni Co si Duterte na tinawag niyang “budol” o panloloko. (CHRISTIAN DALE)

71

Related posts

Leave a Comment