Habang walang covid vaccine FLU VACCINE MUNA SA SENIORS

MAGSISILBING malaking proteksiyon ang pagpapaturok ng pneumonia vaccine upang makaiwas sa peligro ng COVID-19 ang matatanda at may comorbidities.

Ayon kay Dr. Charles Yu, Vice-Chancellor ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute na karamihan ng namamatay sa covid ay hindi naman dahil sa virus kundi dahil nagkaroon ng complicating bacterial pneumonia.

Nagsisilbing booster ani Dr. Yu sa immunity ang pneumonia vaccine na nakapagpapabawas sa mortality at morbidity lalo na sa mga senior, mga tinatawag na vulnerable, mga may emphysema at may diabetes.

“Siguro no clear answer to that. Ang anti-pneumonia lalo na iyong invasive pneumococcal, iyong lifetime na nagpu-protect sa deadly na pneumonia will help kasi karamihan ng may covid na
namamatay hindi dahil sa virus namatay, kung hindi dahil nagkaroon ng complicating bacterial pneumonia,” ani Dr. Yu.

Subalit, paglilinaw ng eksperto, hindi ibig sabihin na kapag nabakunahan na ng pneumonia vaccine ay makaiiwas na sa covid.

Paliwanag ni Dr Yu, magka-covid man ang isang naturukan na ng bakuna sa pneumonia ay makaiiwas ito sa nakamamatay na pneumonia na kumplikasyon ng corona virus.

Ganito rin ang mungkahi ng isang mambabatas sa Kamara habang hindi pa dumarating sa bansa ang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Deputy Speaker Bernadeth Herrera, malaki ang maitutulong ng flu vaccine para mabawasan ang pagkakataon na mahawa sa nasabing virus.

“Conducting flu vaccinations now can also improve vaccine acceptability among people who have some hesitation about getting COVID-19 vaccines,” ayon pa sa mambabatas.

Dahil dito, kailangan magsagawa na aniya ang DOH ng mass vaccination para sa flu para magkaroon ng proteksyon ang mga tao, hindi lamang sa matatanda kundi sa mga bata. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

28

Related posts

Leave a Comment