MAG-ASAWA GINULANTANG NG BALA

LAGUNA – Pinaulanan ng bala ng dalawang ‘di kilalang kalalakihan ang bahay ng mag-asawa sa bayan ng Magdalena sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Tinamaan ng bala sa kaliwang siko si Renato Batralo y Oriel, 31, habang ligtas naman ang asawa nito na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Ayon sa salaysay ng mag-asawa, alas-10:25 ng gabi noong Enero 28 habang nagpapahinga sila, biglang pinagbabaril ng mga suspek ang kanilang bahay sa Barangay Baanan.

Agad tumawag ang isang concerned citizen sa Magdalena MPS upang iulat ang insidente at nang magresponde ang mga awtoridad ay nadatnan ang mag-asawa na nakadapa sa loob ng kanilang bahay.

Agad dinala ang mag-asawa sa Majayjay Medicare Center sa Laguna Provincial Hospital.

Sa kasalukuyan ay nasa maayos nang kondisyon ang mag-asawa habang patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng motibo sa insidente. (CYRILL QUILO)

33

Related posts

Leave a Comment