(NI BERNARD TAGUINOD)
IKINATUWA ng isang religious leader sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng uri ng sugal sa bansa kasama na ang pagpapasugal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) subalit dapat aniyang isama na dito ang mga casino.
Ayon kay Cibac party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva, good news aniya ang pagkansela ni Duterte sa permit ng mga Lotto at Small Time Lottery (STL) sa buong bansa dahil maaari na umanong makaiwas ang Pilipinas bilang gambling Center of the World.
“Sana pati mga Casinos as breeding grounds of broken families and criminals,” ani Villanueva.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na parami ng parami ang mga casino sa Pilipinas na ikinababahala ng mambabatas kaya nais nito na isunod ito ng Pangulo na ipasara.
Ang mga casino ay nasa illalim ng Philippine Amusement and Gaming Corportation(Pagcor).
MOTIBO NI DUTERTE PINAGDUDUDAHAN
Pero hindi maiwasang magduda ang mga dating mambabatas na sina dating Magdalo party-list Rep. Gary Alejano at Akbayan party-list Rep. Tom Villarin sa motibo ni Duterte sa biglang pagpapasa sa mga lotto, STL at iba pang uri ng sugal sa bansa.
Hindi naniniwala si Alejano na ang isyu ng corruption sa PCSO ang dahilan ng pagpapatigil ni Duterte sa operasyon ng mga Lotto at STL, kundi mayroon itong balak na pabor umano sa kanyang mga kaalyado.
“This is a shakedown just like what he did before in order to shake off those non-allies who are current holders of gambling licenses & franchises. Then later “re-open” and award these to his friends and allies. Corruption? I dont think that’s the issue,” ani Alejano.
Para naman kay Villarin, wala aniya sa hulog ang Pangulo dahil sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ay hinihikayat nito ang Pagcor na magpasugal ng magpasugal umano lumaki pa ang kita ng gobyerno ay pinapatigil nito ang lotto at STL.
147