(NI BETH JULIAN)
NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na makitang katulad ng Japan ang Pilipinas.
Ito ang isa sa keynote address ni Pangulong Duterte sa 25th International Conference on the Future of Asia sa Tokyo, Japan kasabay ng paghanga nito at pag- asam sa hinaharap ay tularan ng mga Filipino ang kaugalian ng mga Hapon.
Sa obserbasyon ng Pangulo sa kaugalian ng mga Hapon, inalala nito na siya ay nagwagi sa 2016 Presidential elections na ang plataporma ay ‘law and order’.
Nakita ng Pangulo sa Japan na malaki ang pagpapahalaga ng mamamayan sa batas at umiiwas ang mga tao sa paggawa ng mga hakbang na may masamang epekto sa lipunan.
“I won the presidency on a platform of law and order. I wish to see the Philippines that is like Japan, the people’s commitment to follow the law or civic mindedness is so developed that people instinctively refrain from actions that are detrimental to society as a whole,” wika ni Duterte.
Ang Japan ay ang top source ng Pilipinas sa development assistance at ang ikalawang pinakamalaking trading partner matapos ang China.
Samantala, tiniyak din ng Pangulo na accounted lahat ang mga donasyon ng Japan para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Sinabi ng Pangulo na hindi pa nagagastos ang mga tulong mula sa ibang bansa dahil unang ginamit ang pera ng Pilipinas.
“Do not worry all the donors of the country your money is in the bank. They are all pledges. And the money that Japan and everybody contributed are all accounted for. We have not spent the foreign aid assistance. We spent first our own money,” pahayag ng Pangulo.
167