HEALTH WORKERS SA BAWAT BARANGAY DARAGDAGAN NG BENEPISYO

(NI ABBY MENDOZA)

HUMIHINGI ng suporta sa mga kapwa mambabatas si Iloilo City Rep. Julienne Baronda upang agad na maipasa ang panukala para sa pagtatalaga ng mga barangay health workers sa bawat barangay at dagdag  benepisyong sa mga ito.

Ayon kay Baronda, malaking papel ang ginagampanan ng mga barangay health workers sa mga komunidad, ang mga ito ang katuwang sa bawat barangay para makapaghatid ng health services ang gobyerno sa kabila ng kawalan ng maayos na benepisyo.

Sa ilalim ng House Bill 1557 ni Baronda, inaatasan ang LGU ng pagtatalaga ng hanggang limang barangay health workers sa bawat barangay sa buong bansa na dumaan naman sa accreditation ng local health board.

Tulad sa ibang barangay officials ay makatatanggap din ng benepisyo, incentives, allowances at titiyakin ang security of tenure ng mga barangay health workers.

Ang nasabing panukala ay tatalakayin na sa technical working group sa ilalim ng House Committee on Local Government.

Ani Baronda, sa harap ng kakulangan ng mga doktor at nurses sa bansa dahil marami ang nag aabroad ay malaking tulong ang barangay health workers.

Ang panukalang ay kabilang  sa Universal Health Care Law na tumitiyak sa pagbibigay ng mabilis, abot-kaya at accessible na serbisyong pangkalusugan.

 

173

Related posts

Leave a Comment