‘HIDE AND SEEK’ SA BUDGET, SIMULA NA

pinglacson12

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAGSIMULA na muli ang larong ‘hide and seek’ o taguan sa pag-uumpisa ng deliberasyon ng Kongreso sa proposed 2020 National Budget.

Inihayag ito ni Senador Panfilo “Ping” Lacson kasabay ng paghikayat nito sa publiko na tumulong sa pagbabantay sa deliberasyon ng lehislatura sa mahigit P4 trilyong panukalang budget.

“Budget deliberation starts this week in the 18th Congress. It is time to play another protracted game of ‘hide-and-seek’: they hide, we seek,” pahayag ni Lacson.

Iginiit ni Lacson na hindi dapat makalusot ang pork barrel at mga walang kabuluhang alokasyon na taun-taon na lamang ay isinisingit ng mga tiwaling mambabatas at opisyal.

“Any technical support from the outside will certainly help in our scrutiny of the 2020 budget books,” saad ni Lacson.

“This is taxpayers’ money we are talking about. We should not allow a greedy few to lay their grubby hands on it, to put it mildly,” dagdag nito.

Matatandaang ilang buwang naantala ang pag-apruba sa 2019 budget dahil sa mga nadiskubreng ‘pork barrel’ na isiningit umano ng ilang mambabatas.

Nadiskubre rin na mismong dating liderato ng Mababang Kapulungan, sa tulong ng mga kaalyado nito, ang nagmaniobra sa mga gastusing nakapaloob sa budget kahit pa ito ay niratipikahan.

Inihain din ni Lacson ang Senate Bill 24 na naglalayong isabatas na ang partisipasyon ng publiko sa pagtalakay ng Kongreso sa pambansang gastusin.

177

Related posts

Leave a Comment