HIGH PROFILE INMATE AKTIBO SA FB

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NABULGAR sa Senado sa pagdinig hinggil sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang pamamayagpag pa rin ng ilang high profile convicts na nakakulong sa Building 14 ng New Bilibid Prisons (NBP) sa paggamit ng cellphones at posibleng pagpapatuloy ng kanilang iligal na aktibidad.

Sa presentasyon ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, ipinakita nito ang aktibong pagpo-post sa Facebook ng isang high profile inmate na si Raymond Dominguez.

Pinatotohanan ito ni Volunteers Against Crime and Corruption President Arsenio ‘Boy’ Evangelista kasabay ng pagbubulgar na nagawa pang ipag-utos ni Dominguez ang pagbaril sa sarili nitong kasintahan na si May Escalpinas sa compound ng bilibid na kinalaunan ay sumailalim sa constructive surgery sa Korea.

Si Dominguez ay isa sa na-convict sa panununog at pagpatay sa anak ni Evangelista.

“Ito embedded ito, yung culture of corruption. They do it with impunity,” saad ni Evangelista.

“Proliferation of illegal drugs and other major activities is still there. It’s happening. Compromise po ang Building 14,” dagdag nito.

Sa pagdinig, sinabi ni Lacson na batay impormasyon, nasa Bilibid 14 ang control ng droga at nagagawa ito sa pamamagitan ng mobile phones.

“We received reports na marami ring nagsha-shabu sa prison facilties. Nagja-jamming,” diin pa ni Lacson.

Ayon naman kay Evangelista, 80% ng illegal drug operations ginagawa sa loob ng NBP dahil nabibigyan ng cellphone ang mga nakabilanggo.

BUCOR OFFICIALS, IDINIIN SA PAGSISINUNGALING

IDINIIN ni Lacson si Ramoncito Roque, chief ng Documents and Record Section ng Bureau of Corrections dahil sa pagsisinungling sa Senado sa gitna ng pagdinig sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

“We are being lied to by our resource person,” saad ni Lacson sabay direkta ng tanong kay Roque hinggil sa pagkakakilala nito sa testigo sa GCTA for sale na si Yolanda Camelon.

Ito ay nang maging pabago-bago ang pahayag ni Roque kung alam talaga nito ang tahanan ni Camelon.

“Alam mo kung saan sila nakatira?” tanong ni Lacson na sinagot ni Roque na “Nabanggit lang po” at tinugunan pa ng senador na “Nagsisinungaling ka na naman.”

Naging tahasan din naman ang pagtatanong ni Lacson kay Atty. Fredecir Anthony Santos, chief, Legal Division ng BuCor hinggil sa paggamit nito ng droga.

“Gumagamit ka ba ng drugs,” tanong ng senador na sinagot ni Santos ng “No, Sir.”

“Baka nagsisinungaling ka na naman. You are under oath,” paalala pa ni Lacson.

Kasabay nito, binalaan ng senador ang abogado na malapit na niyang makuha ang ebidensya hinggil sa pagja-jamming ni Santos kasama ang isang Chinese drug lord.

189

Related posts

Leave a Comment