HIGIT 100-K FOREIGN WORKERS SA POGOs BUBUWISAN NA

dofbir12

(NI BETH JULIAN)

ISASAPINAL na ng gobyerno ang listahan ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).

Ito ay para mabilis nang makakolekta ng nasa mahigit P22 bilyong income tax sa kanila kada taon.

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez, sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ilang mga dayuhan ang nagtatrabaho sa bansa.

Pero sa tantya ng Department of Finance (DoF), posibleng umabot ito sa mahigit 100,000.

Iniutos na rin ni Dominguez sa binuong inter agency task force na bilisan ang pagmonitor sa mga  POGOs at makatutulong sila ngayong March 29 para makuha na ang listahan.

Natatandaang humingi na rin ng tulong ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Pagcor para maiparehistro ang mga POGOs sa agency para mas madali silang mamonitor sa pagbabayad ng buwis.

 

80

Related posts

Leave a Comment