HIGIT 100 MAINTENANCE MED TAX-FREE NA

gamot

MAHIGIT 100 brand ng maintenance medicine ang exempted na sa value added tax bilang pagtugon sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ayon sa Department of Finance (DOF).

Sinabi ng DoF na mahigit sa 100 gamot at kanilang generic name at brand para sa sakit na diabetes, hypertension at high cholesterol ang VAT-free na ngayon.

Kabilang umano sa mga gamot na reseta ng mga doktor at Metformin para sa diabetes Amlodipine sa hypertension at Simvastatin para sa mataas na cholesterol.

Ang kumpletong listahan ay ilalabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamamagitan ng revenue memorandum circular (RMC) at ipo-post din sa kanilang website.

22

Related posts

Leave a Comment