HIGIT 500 NFA EMPLOYEES JOBLESS DAHIL SA RTA

nfa1

(NI LILIBETH JULIAN)

ILANG empleyado ng National Food Authority (NFA) ang nanganganib na mawalan ng trabaho dulot ng Rice Tariffication Act (RTA).

Ito ang inihayag ni NFA Officer in charge Administrator Tomas Escarez, tiyak na may mawawalan ng trabaho dahil sa bagong batas.

Pero sinabi ni Escarez na hindi pa nito mayukoy kung ilan ang maaapektuhan sa ahensya.

Sinabi nito na malalaman lamang ito pagkatapos mabuo ang implementing rules and regulations ng batas.

Batay sa paunang pahayag ng NFA Employess Association, aabot sa 500 empleado ang inisyal na mawawalan ng trabaho at maari pa itong madagdagan ngayong lilimitahan na ang trabaho ng NFA.

81

Related posts

Leave a Comment