(NI NOEL ABUEL)
IPINAGTATAKA ng isang senador ang biglaang pagdulog ng gobyerno sa international community at pagpaliwanag sa nangyaring pag-aresto sa mamamahayag na si Maria Ressa.
Giit ni Senador Francis Pangilinan, nagtataka ito sa ginagawa ngayon ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) na nagtungo pa sa Europe para gawin ang pagtatanggol sa ginawang pagdakip kay Ressa.
“Why is the government suddenly interested in clearing its name before the international community on the arrest of Maria Ressa when before, when before it has ignored criticisms on extrajudicial killings as a result of the drug war?” tanong pa ng senador.
“Aren’t the President’s defenders enough to parry the views on the apparently harassment incident? Could it be that Secretary Andanar and the PCOO people just want a whiff of winter, thus, the sudden urge to go into this information caravan?” dagdag na tanong pa nito.
Kinuwestiyon din ni Pangilinan ang pondo ng mga taxpayers na ginamit na panggastos ng PCOO sa biyahe ng mga ito.
Nanghihinayang umano ito na sa halip na gastusin ang pondo ng taumbayan sa biyahe ng PCOO ay dapat na inilaan na lamang ito sa information drive sa kontrobersyal na bakuna.
“How much is the PCOO spending for this trip in taxpayers’ money? Isn’t it more worthwhile and beneficial to spend it in helping the DoH in its information drive to get as many children vaccinated to help curb the measles outbreak?” giit pa nito.
320