HIGIT 600 PDLs LUMAYA SA NBP

NABIGYAN na ng certificate of discharged ang nasa 632 Person’s Deprived of Liberty (PDLs) na natapos na o napagsilbihan ang kanilang sentensya.

Sa data na inilabas ng Bureau of Corrections, umabot sa 11,347 noong 2022 ang napalayang mga PDL.

Noong November 2022 naman hanggang ngayon, nasa 8,324 na ang na-release ng Bureau of Corrections.

Umaasa si BuCor Chief Director General Gregorio Catapang Jr., na magsisilbing inspirasyon ang paglaya ng mga PDL para sa iba na nananatili pa sa loob ng piitan.

Mas marami pa aniya sana ang makalaya kasunod ng “Bagong BuCor sa Bagong Pilipinas”.

Binanggit pa ni Catapang na baka umabot pa hanggang 10,000 ang mapalalaya sa mga susunod na buwan.

Samantala, sinabi naman ni PAO chief Persida Rueda- Acosta, sa lahat ng lalaya na magbagong buhay at yakapin ang sarap ng buhay sa labas ng piitan.

(JULIET PACOT)

35

Related posts

Leave a Comment