HINDI BAKUNADO PINABABANTAYAN SA BARANGAY CHIEFS

NASA kamay naman ng mga kapitan ng barangay ang mahigpit na pagbabantay sa galaw ng mga hindi bakunado sa kani-kanilang hurisdiksyon.

Sinabi ng Pangulo na iyong mga hindi pa nakatatanggap ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine ay hindi papayagang lumabas ng kanilang bahay.

“Barangay captains, you’re put on notice and the order for you is to find out the persons who are not compliant with the laws, or their refusal to have the vaccines. You can actually prevent them from leaving the house,” ayon sa Pangulo.

Sakali naman aniya na magpumilit ang hindi bakunadong lumabas ng bahay, maaari itong samahan ng awtoridad.

“If you force the issue, I said, because the barangay captain is a person of authority, he can place you under arrest and dalhin ka sa istasyon,” dagdag na pahayag nito.
Mararanasan aniya ng mga ito ang makulong sa mga police station na may “poor hygiene’.

Inulit din ng Pangulo na ang “best defense” laban sa COVID-19 ay ang magpabakuna. (CHRISTIAN DALE)

112

Related posts

Leave a Comment