HIRIT NG COMELEC SA MGA SORTIES: CLEAN AS YOU GO

COMELEC12

Ni FRANCIS SORIANO

MULING nanawagan ang pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga kandidato politiko na tumatakbo ngayon sa 2019 midterm election na panatilihing maayos,  tahimik, malinis  at iwasan magkalat sa pangangampanya.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, kailangan din umanong sundin ang Comelec rules upang maiwasan ang pagkakaroon ng violations na sanhi ng pagkakaroon ng kaso.

Dagdag pa nito na dapat hikayatin ang kanilang mga supporter na panatilihin din na malinis ang paggaganapan ng mga kanilang sortie at ugaling “Clean As You Go”, Dahil kalimitan ay nagiging problema ang naiwang basura gaya ng plastic bottles, styro packs at iba pang mga basura.

Sa pamamagitan nito ay maipapakita pa ng mga kandidato na ang kanilang sinsiridad sa kalikasan hindi lamang sa kapakanan ng kanilang botante o supporters.

72

Related posts

Leave a Comment