HOG RAISERS GAWING COMPETITIVE

AMINADO si Senador Cynthia Villar na napapagod na siyang pagalitan at sermunan ang mga opisyal ng Department of Agriculture kaugnay sa isyu ng importasyon ng mga produkto na nakaaapekto sa local industry.

“Hearing tayo nang hearing na pagagalitan natin ‘yung mga nagi-issue ng import permit na ‘yan. Sawang-sawa na ko nang kakapagalit diyan sa mga nagi-issue ng import permit,” diin ni Villar.

Dahil dito, isa sa nakikitang solusyon ni Villar ay gawing competitive ang local hog at poultry raisers.

“We have to compete in the marketplace. Kaya ako gusto ko ‘yung mga farmer natin can really compete because that is the permanent solution to the problem,” saad ni Villar sa pagdinig sa Senado kaugnay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto.

“Kasi hindi mo naman mapigil ‘yang mga government agency na magbigay ng import permit eh. Talagang practice nila ‘yan, ayaw silang tumigil, siguro dun sila nagkakapera kaya ayaw nila tumigil na magbigay ng import permit,” dagdag nito.

Noong Hulyo, una nang nanawagan ang grupo ng poultry raisers sa DA na ipatigil ang importasyon ng manok dahil sa oversupply.

Hiniling din ng United Broilers Raisers Association (Ubra) sa DA na bigyan sila ng sapat na ayuda upang makarecover sa kanilang pagkalugi at makalaban sa kompetisyon.

Hindi rin pabor ang agricultural groups sa panukala ng DA na ibaba ang tariff rates sa imported pork at rice.

“I just want to be able to file a bill na permanent solution to our problem, we make our farmers competitive para kahit sila mag-import kaya natin labanan so that even if there’s importation, they can compete,” diin naman ni Villar.

“I hope that the hog industry and the chicken industry can give me a study which can be the basis for me to draft a law like the RCEF (Rice Competitiveness Enhancement Fund),” dagdag pa ng senador.

Inaalala pa ni Villar ang hearing sa Senado kung sana pinagalitan nito anng pinuno ng Bureau of Plant Industry (BPI) dahil sa paglalabas ng permits para sa rice importation sa panahon ng anihan.

“Sinabi ko nga dun sa nagi-issue sa rice, ‘Tigilan mo na pag-issue pag harvest season, ‘wag mo sabayan ‘yung mga farmer’,” giit ni Villar.

“Hindi mapigil eh, kahit sabihin mong ‘wag mag-import’ ayaw tumigil. Babantayan mo nang babantayan eh buti kung ako magbabantay ako, eh paano sa future. Kailangan ang solution permanent, hindi ‘yung ako na lang ‘yung magagalit nang magagalit,” dagdag pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

79

Related posts

Leave a Comment