ANG BAGUA AT ANG TAMANG GAMIT NITO

Ni Ann Esternon

Ang bagua ay salamin na bilog na napalilibutan ng walong wooden frame na hango sa disenyo ng feng shui Bagua at kadalasang may kulay pula, berde, ginto o dilaw, o itim. May metal frame na uri rin ng salamin na ginagamit sa feng shui element areas sa labas ng bahay o negosyo ngunit mas ipinapayo na gamitin ang kahoy na uri ng bagua.

Ang literal na kahulugan ng bagua ay “eight areas” kung kaya walo ang areas na nakapalibot dito. Isa ito sa mga pangunahing kasangkapan sa feng shui at tinuturing na “energy map” dahil inaalisa nito ang enerhiya sa isang partikular na lugar.

Ang areas na nabanggit ay konektado sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Sa bawat area (gua) at nakapaloob dito ang countless layered na kahulugan tulad ng kulay, organ, elemento, hugis at maraming iba pa. Ang bawat panig ng frame na octagonal ay may tatlong mga linya – kilala bilang isang trigram – na sumasagisag sa isang aspeto ng buhay. Tinatawag ding itong anting-anting ng bahay o negosyo.

Sa bawat trigram, ay nariyan ang prinsipyong tulad ng katanyagan at reputasyon, kasaganaan at prosperidad, pamilya at pakikipagkapwa, pag-ibig at relasyon, pagkakawanggawa at paglalakbay, pagkamalikhain, karera at misyon sa buhay, at katalinuhan at karunungan.

Sa feng shui, tinatawag ang salamin na ito na “aspirin” o “antibiotic” dahil nagbibigay ng proteksyon.

Iba-iba rin ang sukat ng bagua mula apat hanggang anim na pulgada. Ang salamin nito ay maaaring concave o convex upang mamanipula ang outside energies ng isang negative quality. Ang flat mirrors ay sinasabing neutral at maaaring mag-reflect sa good and bad energy.

Mahalaga ang hugis ng salamin sa bagua dahil nalalaman dito ang kapangyarihan ng salamin at kung papaano ito gagamitin. Kung mapapansin ang seksyon sa ibabaw ng frame ay may tatlong unbroken lines bilang simbolo ng langit kung kaya dapat ito ay nakapwesto sa itaas.

Sinasabing ang bagua (pakua o pa kua sa Intsik na binibigkas bilang ‘bah-gwa’) ay nagbibigay ng proteksyon sa tahanan o negosyo.

Bilang payo, dapat maging maingat sa paggamit ng bagua. Kung gagamit ka ng anomang feng shui cure na nagmumula sa takot, malamang na mas dinodoble o pinararami ang fearful energy kaysa alisin ito.

Ang bagua ay hindi nilalagay sa loob ng bahay – hindi sa sala, sa kusina o bedroom dahil hindi ito pang dekorasyon. Proteksyon ito sa negatibong bagay kapag may bad energy sa harap ng iyong bahay o negosyo.

Tradisyunal na nilalagay ang bagua sa ibabaw ng pinto o sa malaking bintana kung saan may kuwestiyonableng outside energies. Mainam na kung gagamit ng bagua ay base sa payo ng feng shui consultant o expert.

Concave:

Ang bilog na bahagi na nasa gitna ng octagon ay itsurang bowl ng isang spoon; rounded inward ito. Ginagamit ito kapag nais mong makuha o ma-neutralize ang negative energy.

– kinukuha nito ang negatibong enerhiya at nanu-neutralize ito sa halip na ipakita ito pabalik sa mundo

– tinitiyak nito na matatanggal ang negative energy na direkta mismong nasa iyong lugar nang hindi nagpapadala ng negatibong enerhiya pabalik sa universe.

Convex:

Ang bilog na bahagi na nasa gitna ng octagon ay itsurang likod ng kutsara; rounded outward. Ginagamit ito kapag gusto mong i-reflect ang negative energy pabalik sa pinagmulan nito.

– Ang pagre-reflect ng negatibong enerhiya pabalik sa pinagmulan nito ay isang agresibong aksyon, kaya maraming mga nagpu-feng shui na hindi ginagamit ang ganitong uri ng salamin maliban sa mga nakatatakot na pangyayari.

Sa paggamit ng bagua…

– gamitin ito kung ang inyong bahay o negosyo ay nakaharap sa sala-salabat na kawad ng kuryente

– kung ang lugar ay nasa tumbok ng kalsada

– kung may sobrang laking puno sa harap o kalapit ng inyong lugar

– kung may marumi o abandonadong gusali sa harap ng inyong lugar

 

57

Related posts

Leave a Comment