HOTLINE 8888 PALPAK; PLDT IPASASARA NI DU30

pldt2

(NI BETH JULIAN)

BINANTAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) na ipasasara kapag mabigo itong ayusin ang kanilang sistema partikular ang linya ng telepono.

Ito ay matapos mainis ang Pangulo nang malaman na madalas busy ang anti corruption hotline na itinatag ng Malacanang 8888.

Sinabi ng Pangulo  na hindi nito malalaman ang mga sumbong kontra korapsyon kung hindi makapasok ang tawag ng publiko sa hotline #8888.

Babala ng Pangulo, kung mabibigong masolusyunan ang nasabing problema ay posibleng maipasara na lamang niya ang PLDT company.

Iginiit ng Pangulo na dapat na pagtuunan ng pansin ng PLDT ang problema dahil may utang ito sa gobyerno.

72

Related posts

Leave a Comment