HOUSING UNITS, TULONG SA MGA TAO NG MARAWI PRAYORIDAD SA REHAB

MARAWI12

PRAYORIDAD ng gobyerno ang pagpapatayo ng housing units at pagbibigay ayuda sa mga nawalan ng tirahan sa Marawi City sa halip na magpatayo ng business establishment na nasira sa limang buwan na giyera.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo matapos umanong kontrahin ang sinabi ng Pangulo na ang mga mayayamang negosyante ang dapat magpatayo ng nawasak nilang establisimyento.

“Ang sinasabi niya, hindi ba nasira ‘yung mga negosyanteng – ‘yung mga buildings nila doon. Dapat, ang sabi niya, gumastos kayo diyan. Hindi naman pwedeng kami lang ang gagastos diyan,” paliwanag ni Panelo sa Palace briefing.

“Uunahin namin siyempre ‘yung mga taumbayan, hindi ‘yung inyo. You have to spend also for that. You cannot rely on us on that. You have to help us kasi ang priority would be the people there, hindi ‘yung negosyong nasira nung mga businessman kasi may mga pera naman sila,” dagdag pa ni Panelo.

Kasabay nito, tiniyak ni Panelo na may sapat na pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City ngunit ang prayoridad ng Pangulo ay ang tao sa siyudad at mga kakailanganin nila at hindi ang mga pribado at mayayamang negosyante.

“Oo, hindi ba meron naman talagang funds ang Marawi, pero hindi para sa mga negosyo nila,” ayon pa rito. “Ang priority syempre, ‘yung mga tao. Sa tao tayo. ‘Yung mga nawalan ng mga bahay doon, ‘yung mga may sakit doon. ‘Yun ang uunahin natin. Hindi ‘yung ire-rebuild natin ‘yung mga building nilang nasira. Hindi ‘yun syempre ang priority.”

130

Related posts

Leave a Comment