HULING BAGSAK NG UMENTO SA GOV’T WORKERS SA MARSO NA

(NI BETH JULIAN)

ASAHANG maibibigay ang huling bagsak ng umento o dagdag sahod ng lahat ng kawani ng gobyerno kabilang na ang mga guro ngayong taon sa ilalim ng salary standardization law.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, kumpiyansa ito na malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 2019 national budget sa kalagitnaan ngayong buwan ng Marso.

Sinasabing sa 2019 national budget huhugutin ang pondo para sa pagkakaloob na dagdag sweldo.

Gayunman, sinabi ni Diokno na posibleng sa susunod na taon na matatalakay ang pangakong doble sahod para sa mga guro at ilan pang kawani ng pamahalaan.

Sa ngayon ay pag aaralan pa ng DBM kung magkano ang ipatutupad na dagdag sweldo sa lahat ng empleado ng gobyerno para sa 2020 hanggang sa 2022.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakararating sa Malacanang ang mga dokumento para sa panukalang budget na P3.767 trillion na 2019 national budget.

Ito ay sa kadahilanang binubusisi pa nang todo ng technical staff ng Senado at Kamara.

Base sa impormasyon mula sa Legislative Budget, Research and Management Office, technical arm ng Senate Committee on Finance, sinisiguro nila na naipasok sa 2019 budget ang mga amyendang inaprubahan ng mga senador at kongresista at inaasahang sa susunod na linggo pa matatapos ang pagbusisi sa panukala kaya asahang sa suaunod na linggo pa ito maipadadala sa Malacanang para sa lagda ng Pangulo.

106

Related posts

Leave a Comment