HUWAG MANAHIMIK LABAN SA MGA ABUSADO SA GOBYERNO – EX-ES VIC

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

NANAWAGAN sa publiko si dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na huwag manahimik sa pag-abuso ng mga nasa gobyerno.

Sa kanyang pagsasalita sa prayer rally ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) noong Biyernes ng hapon, sinabi ng nagsilbing unang ES ng administrasyong Marcos na dapat magsalita ang publiko laban sa mga gahaman at abusadong politiko.

Aniya, ang pananahimik ay mistulang pagkampi sa mga nang-aapi.

Dumalo si Rodriguez noong Biyernes upang makiisa sa mga lumalaban sa mga abusado, korap, at gahaman sa gobyerno.

“Bagama’t hindi ako miyembro, ako po ay hindi konektado sa SMNI, nandito ako bilang Pilipino at kaisa ninyo,” pahayag ni Rodriguez. “Kaisa po ako ninyo sa pagsigaw that we the sovereign people are not for sale.”

“I stand with solidarity with you tonight, united stand and demand for those who are in government to be transparent and accountable,” wika pa ni Rodriguez.

Binanggit din nito ang pagnanais ng ilang nasa gobyerno na mabago ang Saligang Batas sa pamamagitan ng pekeng People’s Initiative (PI) at Charter change.

“Hindi problema ang Saligang Batas kundi ang korupsyon. Ang problema ay ang mataas na inflation.”

“Sila mismo ang problema, ang problema ay ang mga gahamang politiko mismo,” aniya pa.

Ayon pa rito, mayaman ang Pilipinas subalit “hindi ginagamit sa tama ang ating mga pondo”.

Pinuna rin niya ang kawalan ng ‘due process’ at paglapastangan sa karapatang pantao ng mga Pilipino kabilang na ang mga karapatan ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

“What is there to legislate? Napakadami na ng batas na kriminal sa Revised Penal Code at Special Laws. Dalhin natin ito sa totoong korte na siyang maglilitis.”

“Hayaan natin ang totoong korte at huwes ang maglitis, at kung need magbigay ng parusa at hayaan nating humatol hindi ang Senado, hindi ang Kongreso,” ani Rodriguez kaugnay ng pagpipilit ng dalawang Kapulungan na padaluhin sa kanilang pagdinig si Quiboloy.

“Bakit laging investigation in aid of legislation? O ito ba ay investigation in view of Grandstanding?” aniya.

Romualdez ‘Maghahari’

Sa pagpapatuloy ng pitong araw na prayer rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, patuloy ang pagdami ng mga nakikiisa at nagbibigay ng pahayag kaugnay sa mga kasalukuyang problema sa bansa.

Kamakalawa ay dumalo si Pastor Apollo Quiboloy virtually at sinabing ang pag-uusig sa kanya ay diversionary tactics para sa isinusulong na People’s Initiative.

“At ngayon, ako po ay nakita ninyo na bugbog-sarado na sa lahat ng mga akusasyon at lahat po ng mga ginagawa para halos araw-arawin tayo sa hearing sa Senado, sa Kongreso.”

“At ngayon ‘pag iyan ay natuloy (People’s Initiative), mawawala ang posisyon ng Bise Presidente, at ang maghahari ay ang prime minister sa katauhan ni Martin Romualdez. Papayag ba tayo sa bagay na iyan, bansang Pilipinas? Hindi tayo papayag, tututulan natin ‘yan, diyan tayo magkakaisa,” ani Quiboloy.

48

Related posts

Leave a Comment