‘IBALIK SA BILIBID!’

(NI CHRISTIAN DALE)

DAPAT lang na ibalik sa kulungan ang mga bilanggong nahatulang makulong dahil sa karumal-dumal na krimen subalit nakalaya dahil sa Republic Act 10592, o ang batas na nagpalawig sa good conduct time allowances (GCTA).
Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dapat na i-serve ng full term ang hatol sa kanila ng korte.

“Obviously, dapat makabalik sila sa kulungan until they serve the full term of their service,” ayon kay Sec.
Sinasabing, napalaya ang mga bilanggo batay sa RA 10592 na naging batas noong 2013.
At dahil sa naturang batas ay nabawasan ang sentensiyang pagkakakulong ng mga bilanggo base sa naging magandang asal umano nila sa loob ng piitan.

Sa ulat, sa datos ng Bureau of Corrections ay may 22,049 persons deprived of liberty (PDL) o preso na nakalaya na mula 2014 hanggang 2019 dahil sa GCTA, 1,914 sa kanila ang nahatulan dahil sa nagawa nilang karumal-dumal na krimen tulad ng pagpatay at panghahalay.

Habang sa mga nahatulan dahil sa heinous crime ay 797 ang sangkot sa pagpatay, 758 sa rape, 274 sa robbery with violence or intimidation, 48 sa droga, 29 sa parricide o pagpatay ng kaanak, lima sa kidnapping with illegal detention, at tatlo sa arson.

Ani Panelo, nakasaad sa batas na hindi dapat kasamang pinalaya ang mga preso na nakagawa muli ng krimen, habitual delinquents, escapees at nakagawa ng heinous crime.

“That cannot be done because the law is very clear,” sabi ni Panelo.

At sa tanong kung hindi na puwedeng bawiin ang naibigay na GCTAs sa preso ay sinabi ni Panelo na, “When you say it cannot be revoked it assumes that the grantee(s) are qualified. If they are not qualified how can you apply that provision.”

Sa ulat, sinabi ni Frederic Santos, hepe ng legal office ng BuCor, na lahat ng bilanggo ay kwalipikado sa GCTA kung saan ay may ilang mambabatas na ang nagpahayag ng kagustuhang amyendahan ang GCTA, habang ipinag-utos naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na suspendihin ang implementasyon ng batas habang nirerepaso ito.

229

Related posts

Leave a Comment