IBP TINABLA SI ‘BIKOY’

bikoy19

(NI KEVIN COLLANTES)

WALANG maaasahang free legal assistance si Peter Joemel Advincula, na nagpakilalang ‘Bikoy’ at umano’y nasa likod ng ‘Ang Totoong Narcolist’ video serye, mula sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Ito ay matapos ibasura ng IBP ang kahilingan ni Bikoy, sa pamamagitan ng kanilang National Center for Legal Aid (NCLA), matapos ang mahabang diskusyon sa isyu.

Sinabi nito na hindi kwalipikado si Advincula sa free legal assitance base na rin sa kanilang NCLA Manual of Operations.

“The Integrated Bar of the Philippines, through the National Center for Legal Aid, is declining the request for free legal assistance made by Peter Joemel Advincula (Bikoy),” bahagi ng pahayag ng IBP.

“The NCLA has determined that Mr. Advincula may not provided free legal assistance based on the standards provided for in the NCLA Manual for Operations in providing such requests,” anito pa.

Paliwanag ng IBP, kung pagbibigyan nila si Advincula, lalabas na may pinapanigan sila na political party lalo pa’t ang administrasyon ang pinatatamaan ni ‘Bikoy’ na sangkot sa ilegal na droga.

Sa kabila naman nito, nilinaw ng IBP na lahat ng dokumento na isinumite sa kanila ni Advincula ay mananatiling confidential.

Matatandaang kamakailan ay nagtungo si ‘Bikoy’ sa tanggapan ng IBP sa Pasig City upang humingi ng legal assistance para sa pagsasampa ng kaso laban sa First Family at mga kaalyado nito, na isinasangkot niya sa illegal drug trade.

 

82

Related posts

Leave a Comment