ILANG SENADOR MALAMIG SA CHA-CHA

MALAMIG ang ilang senador sa panukalang amyendahan ang Konstitusyon upang gawing dalawang limang taon ang termino ng Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa.

Sinabi ni Senador Robin Padilla na bagama’t maganda ang panukala, mas maraming probisyon sa Konstitusyon ang dapat unang talakayin.

Inihalimbawa ni Padilla ang mga probisyon na may kinalaman sa foreign direct investment at iba pang may kaugnayan sa ekonomiya.

Binigyang-diin ng senador na dapat mabigyang solusyon ang kahirapan lalo na ang pagbabayad ng bansa ng utang.

At ang pinakamahalaga anya ay ang pagbabago sa sistema at porma ng gobyerno upang mabigyang solusyon ang katiwalian at mailapit pa ang gobyerno sa tao.

Sinabi naman ni Senador Win Gatchalian na mas dapat bigyang-pansin ang mga isyu na may kinalaman sa inflation at presyo ng produktong petrolyo sa halip na talakayin ang pag-amyenda sa saligang batas.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na ang pagbubukas at pag-amyenda sa konstitusyon ay nangangailangan ng mahabang panahon at hindi ito napapanahon sa ngayon. (DANG SAMSON-GARCIA)

59

Related posts

Leave a Comment