SUSPENSYON NG EXCISE TAX SA GAS, DIESEL MULING HINIRIT

IKINASA ulit ni Senador Grace Poe ang panukalang suspendihin ang pangongolekta ng excise tax sa lahat ng produktong petrolyo partikular sa gas at diesel upang maibsan ang paghihirap ng mamamayan sa lumolobong presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na layunin ng panukala na magkaroon ng awtomatikong suspensyon ng excise tax sa gasolina at diesel kapag lumampas sa $80 kada bariles ang halaga ng pangkaraniwang Dubai crude oil price base sa Mean of Platts Singapore sa loob ng tatlong buwang yugto.

Layunin ng panukala ni Poe na amyendahan ang Section 148 ng National Internal Revenue Code para dito.

Sakaling maisabatas ito, kaagad mababawasan ang P10 ang halaga ng gasolina kada litro at P6 naman sa presyo ng diesel kapag nasuspinde ang excise tax.

Iniulat ng Philippine Statistics Authority na tumaas ang inflation sa 17 rehiyon na may ilang lugar sa labas ng Kamaynilaan na nagkaroon ng mas mataas na halaga ng transportasyon.

Kumakatawan ang halaga ng transportasyon sa 31.7 porsyento ng pagtaas ng inflation nitong Hunyo na kasama sa inflation para sa diesel na umabot sa 9.5 % at 53.9% para sa gasoline.

“Taking off P6 from the price of diesel per liter during critical times can help our drivers ply their routes again. At the same time, it will lower the cost of transporting goods,” ayon kay Poe.

Ayon sa pagtataya, umabot sa 20% nbg 900,000 jeepney drivers ang hindi na nagmamaneho sanhi ng pagkalugi sanhi ng mataas na presyo ng langis.

“The wheels of the economy can go faster if public transport is able to move people to work or buy goods and essentials that they can afford,” ayon kay Poe.

Naunang kinatigan ni dating Senador Panfilo Lacson ang panukala ni Poe sa pagsasabing mahaba na ang listahan ang binigyan ng exemptions mula sa value-added tax ang mahigit 100 nakalinya.

Maaaring kumita ang pamahalaan ng P117 bilyon sa karagdagang buwis nitong 2018 lamang kahit binawasan ang VAT rate mula 12 tungo sa 10 % sa pagtatanggal ng 78 na nakalinyang exemptions mula sa ilang sector tulad ng power,cooperative, housing economic zones, ayon kay Lacson.

Samantala, inihayag ng economic managers ng bagong administrasyon na nakatakdang malugi ang pamahalaan ng P100 bilyon kapag sinuspinde ang excise tax.

“If the government can afford to lose P251 billion to benefit big companies under the Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act in the first two years, why can’t it do the same for our public utility drivers, delivery riders and ordinary workers who bear the brunt of higher transport costs?” giit ni Poe. (ESTONG REYES)

62

Related posts

Leave a Comment