ILLEGAL VENDORS WINALIS SA TAYTAY TIANGGE

INAKSYUNAN na ng lokal na pamahalaan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal ang mga reklamo laban sa mga illegal vendor.

Sa utos ni Mayor Allan de Leon, nagsagawa ng clearing operation ang Taytay police, MPSD at STAG.

Hindi na nakaporma ang mga nasorpresang ilegal na manininda nang sila’y paghuhulihin. Kinagabihan ay muling pinasadahan ng tropa ang tiangge at mas marami umanong illegal vendor ang nahuli.

Naiyak naman ang isa sa mga hinuling vendor dahil ayon sa kanya, dumaan lang siya sa tiangge papunta ng Cainta ngunit minalas na natiyempuhan sa clearing operation.

Tiniyak naman ni MPSD head PCOL Moises (ret.) na gagawin nilang madalas ang clearing operation.

Nauna rito, nagreklamo ang mga lehitimong manininda o stall owners sa Taytay tiangge na nalulugi umano dahil sa mga nakaharang na illegal vendors. (KNOTS ALFORTE)

35

Related posts

Leave a Comment