IKINOKONSIDERA ng isang mambabatas na magpatawag ng imbestigasyon upang mahubaran ng maskara kung sino ang traydor na nangako sa China na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ginawa ni House deputy minority leader France Castro ang pahayag matapos kapwa itanggi nina dating Pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo na nangako sila sa China.
Malamang aniya na hindi si dating Pangulong Simeon Benigno “Noynoy” Aquino III ang nangako dahil siya ang naghain ng kaso sa Permanent Court of Arbitration laban sa China kung saan nanalo ang Pilipinas.
“Even Pres. Marcos Jr. disowning such a move then it is Pres. Rodrigo Duterte who is the only one left that may have made the promise to China,” ani Castro.
Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita ang dating mayor ng Davao City hinggil sa nasabing usapin na isiniwalat ng Chinese Embassy matapos uminit ang sitwasyon nang bombahin ng tubig ng kanilang coast guard ang Philippine Coast Guard na magdadala ng supply sa BRP Sierra Madre noong Agosto 5.
Hindi lingid sa lahat na mas kumampi si Duterte sa China kaysa Amerika sa loob ng anim na taon nito sa Malacañang kaya lalong lumakas umano ang puwersa ng nasabing bansa sa WPS at binalewala ang napanalunang kaso ng Pilipinas.
“It can be remembered that on May 6, 2021, President Rodrigo Duterte called the country’s arbitral victory against China’s claims in the West Philippine Sea a piece of paper that he can throw away in a trash bin. Duterte said the ruling affirming the Philippines’ sovereign rights in its exclusive economic zone is just a piece of paper that led to nothing,” paliwanag pa ni Castro.
“Duterte has also just gone to China to talk to Chinese President Xi Jinping but what they discussed still has to be disclosed,” ayon pa sa mambabatas.
Nakabibingi rin aniya ang katahimikan ng anak nito na si Vice President Sara Duterte sa patuloy na panghaharass ng China sa mga Pilipino sa WPS.
“Their silence on the issue speaks volumes and it seems that we may not have to look far to find the traitors the Philippine Coast Guard is talking about. As it is Duterte has the longest list of instances of sleeping with China and we in the Makabayan bloc are now mulling to file a House resolution to investigate in aid of legislation the supposed Philippine officials who promised the removal of BRP Sierra Madre or if China is just making this up,” ayon pa sa mambabatas.
(BERNARD TAGUINOD)
158