IMEE MARCOS SUPORTADO NI FARINAS

imee12

(NI BERNARD TAGUINOD)

BAGAMA’T nagkabanggaan noong nakaraang taon, suportado pa rin ni out-going Ilocos Norte 1st District Congressman Rodolfo Farinas ang senatorial bid ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Ito ang kinumpirma ni Farinas sa mga mamamahayag sa Kamara, ilang araw matapos itong umatras sa gubernatorial race ng kanilang lalawigan kung saan makakalaban sana nito ang anak ni Gov. Marcos na si Matthew Marcos-Manotoc.

“Of course. She’s the governor of our province, the first district of which I represent in Congress,” ani Farinas nang tanungin kung susuportahan nito ang senatorial bid ni Gov. Marcos.

Magugunita na mismong si Farinas ang nagpa-imbestiga kay Marcos sa Kamara kaugnay ng ilegal na paggamit umano sa tobacco excise tax sa kanilang lalawigan na naging dahilan para ma-contempt at makulong ang anim na opisyales ng lalawigan na tinaguriang “Ilocos 6” noong 2017.

Sa Committee report ng House House  committee on good government and public accountability, inirekomenda ang pagsasampa ng administrative at criminal cases laban sa mga opisyales ng Ilocos Norte Provincial Government dahil sa pagbili ng 110 Foton Multicab na nagkakahalaga ng P64.4 milyon na hindi idinaan sa bidding.

Subalit sa kabila nito, sinabi ni Farinas na suportado pa rin nito ang senatorial bid ni Gov. Marcos dahil kapag nanalo ito sa Senado ay karangalan ito ng kanilang lalawigan.

“She is the governor of our province, a position that I previously held for 10 years. Since she is running for the Senate, her victory would bring honor to our province. Same thing I did when Bongbong ran for the vice presidency,” ani Farinas.

 

126

Related posts

Leave a Comment