IMEE: PINAS TAMBAKAN NG IMPORTED NA LUMANG GAMOT

gamot

(NI MITZI YU)

PINUNA ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang umano’y nagsisilbing tambakan ng mga rejected o lumang imported na gamot ang bansa.

Ito ay kasabay ng pagkadismaya  ni Marcos sa kinalabasan ng Cheaper Medicine Law.

Ayon kay Marcos, hindi siya masaya sa Republic Act 9502 o cheaper medicines act of 2008 dahil ang bersiyon nila sa Kongreso ay kinarne pagdating sa Senado.

Duda si Imee kung makatutulong nga sa mga mahihirap ang cheaper medicine lalo na at ilang probisyon nito ay hindi katanggal-tanggap.

Binanggit niya na ang mura lamang ay ang mga over the counter medicine samantalang mas kailangang baba ang presyo ng mga gamot sa mga inoperahan at naka-confine sa mga ospital.

38

Related posts

Leave a Comment