KAMARA ‘DI NA SASAWSAW SA PASSPORT BREACH

pass

(NI ABBY MENDOZA)

KUNG si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang tatanungin hindi na dapat imbestigahan ang napaulat na passport breach sa Department of Foreign Affairs(DFA).

Ayon kay Arroyo hindi naman trabaho ng House of Representatives na magsagawa ng imbestigasyon,kung aid of legislation ang batayan ng pagiimbestiga sa nasabing usapin ay duda din syang may mabubuo pang panukala sa kasalukuyang Kongreso na ilang buwan na lamang ay matatapos ba ang 17th Congress.

Matatandaan na una nang naghain ng resolusyon ang Gabriela Partylist Group para imbestigahan passport data breach sa DFA.

Sa inihaing House Resolution 2409 na inihain nila Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, pinasisilip sa House Committee on Information and Communications Technology kung may paglabag sa Data Privacy Act of 2012 ang kinuhang private contractor na tumangay sa mga personal information ng mga Filipino passport holders.

Nababahala ang mga kongresista na ang mga personal na impormasyon mula sa pasaporte ay maaaring magamit sa bank-related fraud at pandaraya sa 2019 midterm elections.

Dahil sa passport data leakage, hinikayat ng mga mambabatas na ipatigil ang implementasyon sa National ID system dahil sa kakulangan sa data privacy security.

Sinabi ni Arroyo na ang dapat na tutukan ng Kamara ay ang Oversight Committee para tignan ang ipinatutupad na panuntunan ng ahensya.

126

Related posts

Leave a Comment