IMMIGRATION OFFICIALS SA NAIA BABALASAHIN

NAIA IMMIGRATION

(Ni FROILAN MORALLOS)

Muling magpapatupad ang Bureau of Immigration (BI) ng reshuffle sa kanilang mga opisyales sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ito ay upang mapabuti ang kanilang serbisyo sa taong bayan .

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, mahigit sa 20 immigration supervisor at intelligence officers na naka-assign sa tatlong terminal sa NAIA ang maapektuhan sa gagawing reshuffle.

Dagdag pa ni Morente,  na ang gagawing reshuffle sa kanilang mga empleyado ay may pahintulot ng Comelec  sa kabila ng pinaiiral na election ban, o ang pagbabawal ng Comelec sa paglilipat ng mga empleydo ng pamahalaan habang papalapit ang election period.

Kabilang sa mga tatamaan ng balasahan ay ang hepe ng Airport Operations section, Port Operations Division Deputy heads, hepe ng BI Border Control , Intelligence units, BI NAIA terminal supervisor at maging ang Bi Special Operations and Communication Unit.

Ang layunin ng lipatan ng mga empleyado ayon pa kay Morente ay upang maiwasan ang corruption at mabigyan ng bagong function sa trabaho , responsibilidad at palawakin ang kanilang kakayahan bilang opisyal.

149

Related posts

Leave a Comment