MAYNILAD AAYUDA SA MANILA WATER NGAYONG LINGGO

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

(Ni KIKO CUETO)

POSIBLENG ngayong linggo maibigay ng Maynilad Water Services Inc., ang kanilang pangakong ayuda sa Manila Water Co..

Ito ay upang matustusan ng Manila Water Co. ang pagkukulang nila sa tubig.

“‘Yun po ay pinag-uusapan na ngayon kung paano i-implement. Nagkasundo na po in terms of medyo magshe-share po ‘yung Maynilad sa amin ng I think initially 31 to about 50 million liters of water per day… May mga technical na kailangang gawin lang po,” sinabi ni Jeric Sevilla, head ng corporate communications.

“Hopefully within the week sana po ma-operationalize na po ‘yung paglilipat po ng bahagi na ‘yun ng supply. ‘Yung mabibigay po ng Maynilad, medyo makakaibsan po ‘yun kahit papaano,” dagdag ni Sevilla.

Naunang sinabi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na tutulong ang Maynilad sa Manila Water kung saan magbibigay ito ng 50 milyong tubig kada araw.

Ang Manila Water ay nagpapatupad ng water service interruptions sa ilang lugar sa kanilang mga nasasakupang lugar na inaasahang tatagal hanggang Hunyo.

Ito’y dahil sa epekto ng El Niño na kakaunti lamang ang inaasahang ulan.

84

Related posts

Leave a Comment