(NI NOEL ABUEL)
NAKATAKDANG magsagawa ng caucus ang mga kasalukuyan at neophyte senators sa tahanan ni Senador Manny Pacquiao.
Ito ang kinumpirma nina Senador Panfilo Lacson at Sherwin Gatchalian kung saan ang nasabing pagpupulong ay naglalayong kilalanin nang husto ang mga bagong miyembro ng Senado at talakayin ang mga komiteng nais na pamunuan ng mga ito sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Vicente Sotto III.
“To expand information kasama ang incoming senators. Medyo ma-enhance ang projection kung Senate President Sotto will remain or continue as Senate president. By tomorrow assuming all incoming senators will be attending, maso-solidify lalo ‘yan,” ani Lacson.
“We hope ma-settle ang chairmanship tomorrow. Kasi sa ngayon talagang kaunti na lang ang pinaplantsa,” dagdag nito.
Sinabi naman ni Gatchalian, na ang nasabing pagpupulong ay simpleng social at dinner meeting.
“Tomorrow we will have that social and meeting. First time naming makikilala ang mga bagong senators so I think by that time we will have parang magandang umpisa and relation with them,” sabi nito.
“Basta may invitation na pinadala ang Senate President to attend the caucus. Nagpadala ng invitation si Sen Pacquiao as the host. So if they don’t want to attend, then wala sila roon, ‘di sila masama sa usapan kung ma-settle ang chairmanship,” sabi pa ni Lacson.
190